...the journey of my thoughts...

.
.sometimes, my mind would just travel to all the places I'd like to go. My mind..your mind..our minds....hold the most powerful FREEDOM on earth...so be free.....sour..explore...and tell the whole world your story....and this is where i write the story of my mind's journey.....

..My first blog for 2011 (and my first blog written in tagalog...^^)..

Hindi porke Ingles ang pamagat ng aking blog ay Ingles na din ang laman nito. Napag.isip-isip kong sa pagsisimula ko sa taong taong ito, mas mainam siguro na simulan ko na din ang pagsusulat “ule” gamit ang wikang Filipino. Matagal-tagal na panahon na ding hindi ako nakakapagsulat na hindi Ingles ang gamit. Ang totoo, medyo nahihirapan ako ngayon. Hindi lang dahil sa nakakairitang mga pulang guhit sa bawat salitang aking tinitipa kundi dahil hindi ko na din maalala ang ilang salitang tagalog, (kelangan ko pang gumamit ng google translate.), medyo nakakahiya sya sa parte ko. Ang isa pang dahilan sa aking paghihirap ay ang mga mali kong pagbaybay sa mga salita, nasanay na ata ako sa kaka.text kaya nahihirapan ako ngayon sa tamang baybay ng salita, kahit simpleng salita tulad ng, “hindi” na ginagawa kong “hndi”…”pagsusulat” na nagiging ” pgsusulat”. Mga simpleng salita na nagiging mahirap na din para sa akin. Bakit kaya?
Ang totoo, hindi naman sa pagmamayabang, laging matataas ang marka ko noong high school pa ako sa tuwing nagsusulat kami sa’ming “Sulating Pangwakas”. Gumagamit pa nga ako noon ng matatalinhagang salita. Haay….noong mga panahong iyon ay hindi pa masyadong uso ang cellphone..(sa aming probinsya, nung panahong yun, konti palang kaming may cellphone.).
Ang panahon nga naman. Naalala ko pa noon, isang kapirasong papel ang ginagamit nang mga lalaki para magpa.cute sa mga gusto nilang babae. Lumipas ang ilang taon, nakahawak ng cellphone at nauso ang textmates. Nauso ang manligaw sa text kahit na hindi pa nakikita basta nagandahan sa boses, okay na. Basta lang may masabing “girlfriend o boyfriend”.
Lumipas naman ang taon at dumating ang internet. Kumalat na parang basong tubig na nabuhos ang mga  tinatawag na “social networking sites”. Dahil sa kanila, napadali ang paghahanap ng magiging katipan o asawang “foreigner”.
Kaya naman sa ngayon, hindi na masyadong napapansin ang ating pambansang wika. Dahil sa tinatawag nilang “global change”, na parte daw ng ating pag.unlad. Siguro kung mabubuhay muli si Rizal sa panahong ito, ay magpapakamatay syang muli dahil sa kanyang makikita. ^^
Nonsense na ba ang sinusulat ko?Para akong isang bulag na nagda.drive ng sasakyan. Walang direksyon. Haay! Tama na nga. Basta masaya ako na nakasulat akong muli ng Pinoy na Pinoy na blog, and for the record, ito din ang una kong blog para sa taong ito.

No comments:

Post a Comment