Ang mga Pinoy talaga ay mahilig sa pagkain. Hindi ito maipagkakaila saan man tayo magpunta. Napatunayan ko na din ito ng ilang beses.
Akala ko noon na talagang normal na sa isang tao na kumain ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. Lumaki akong nasanay na laging may meryende pagsapit ng alas dyes ng umaga at alas tres ng hapon. Minsan nga, pag nagkakatuwaan, pati sa hatinggabi ay may nakahandang pagkain.
Wala namang masama dito, hindi ba? Anu naman ang masama sa pagkain? Sa ating mga Pinoy, normal lang ang ganitong sitwasyon. Ngunit nung ako’y lumalaki na, at namulat sa ibang panig ng buhay, madami akong mga bagay-bagay na napagtanto. Siguro dahil na din sa iba-ibang kultura na aking naranasan.
Noong 2009, isa ako sa mapapapalad na kabataang nabigyan ng pagkakataong makapunta sa bansang Japan. Doon nagsimula ang pagkamulat ko sa madaming bagay. Oo alam kong hindi naman maunlad ang ating bansang Pilipinas, pero mas lalo ko itong naramdaman nung ako’y makarating sa Japan. Ibang-iba ang buhay nila sa nakagawian ko. Ako’y namangha, humanga at nalasing sa aking mga nakita, nakilala at natikman.
Ang nakagpagtataka pa, lagi kaming kumakain sa mga restawran na “eat all you can”. Hindi ko alam kung ito’y dahil sa nagtitipid ang mga hapones, o dahil alam nilang matatakaw ang mga Pinoy.^^
Doon ko napansing hindi pala sila mahilig mag-kanin, masydo itong mahal sa kanila, hindi tulad satin, iba-ibang presyo ng bigas ang pagpipilian. Hindi din sila mahilig sa meryenda, lagi nga lang mineral water ang binibigay samin pag hindi pa oras ng pagkain.
Isa pang dahilan ng aking pagkamulat ay ang pagdating ng mga koreano sa aking buhay. Noon pa mang nag-aaral ako sa kolehiyo, nabuhay na ang kuryusidad ko sa mga gawi nila. At ng ako ay makagtapos, ako’y nakapagtrabaho bilang tiyutor ng Ingles.Dahil dito mas nakilala ko sila ng lubusan.
Nakita ko ang malaking pagkakaiba natin sa kanila lalo na sa usaping pagkain. Napansin kong hindi maaring isang putahe ng ulam lamang ang kanilang ihahain sa lamesa. Kailangang iba-iba ito. Napag-alaman ko ding hindi maaring ihain uli sa mesa ang putahing naihain na para sa linggong iyon. Ganoon ka-sensitibo ang kanilang panlasa. Ngunit hindi tulad natin, para lang silang tumitikim ng mga putahe sa hapag. Yung bang parang ”free taste” lang sa isang restawran.^^ Tayo, kain kung kain, lalo na kung madaming nakahain. ^^
Hindi ko naman ikinahihiya ang pagiging Pinoy ko. Sa katunayan proud pa ako! Dahil hindi naman matatawag na katakawan ang pagiging mahilig natin sa pagkain, isa lang ito sa ating mga marka bilang Pinoy. Masiyahin, malambing, at palakain. hehehe..Tama ba?
No comments:
Post a Comment