...the journey of my thoughts...

.
.sometimes, my mind would just travel to all the places I'd like to go. My mind..your mind..our minds....hold the most powerful FREEDOM on earth...so be free.....sour..explore...and tell the whole world your story....and this is where i write the story of my mind's journey.....

Pasaan Nga Ba Ang Byahe Mo?


Sa halos dalawampu’t isang taon nang aking buhay. Madaming tao na din ang naging parte nito. Mayroon akong mga naging malapit na kaibigan, may mga nakilala akong naging espesyal na parte ng buhay ko, may mga naging inspirasyon ko, may mga naging iyakan ko, mayroon din namang naging sanhi ng mga pag-iyak ko. Nariyan din ang iba na nakilala at nakalimutan ko, mayroon din namang nakilala, nakasama at naukit sa aking alaala. Iba’t ibang tao, sa bawat mundong pinapasukan ko. Hindi man naging napaka-perpekto nang takbo ng buhay ko, masaya naman ako sa kinaroroonan ko ngayon. 
Nasaan na nga ba tayo? Hanggang saan kayo titigil ang ating paglalakbay?Kapag patay na tayo?O baka naman nakarating na tayo ngunit pilit pa din tayong sumasama sa byahe nang iba sa takot na mapag-iwanan tayo?
Naisip ko lang naman na masyadong kumplikado ang ating utak. Alam kong ilan sa inyo ay matagal na ding na-realisa ang bagay na ito. Habang tayo ay lumalaki, masydo ding lumalawak ang ating pananaw sa mga bagay-bagay sa ating paligid. Lumalawak ang ating mga pangarap maging ang ating pagtanaw sa hinaharap.
Noon, akala ko ay sapat na na tayo’y makapagtapos, makauwi ng diploma at makapagtrabaho. Ngunit ngayon, na naabot ko na ang lahat ng iyon, bakit pakiramdam ko ay may kulang pa? Na parang may nais pa akong abutin?
Ang hirap nang pakiramdam na ito, yong bang parang isa kang lobo (balloon) na pinalobo ng pinalobo hanggang sa para ka ng puputok sa dami ng hangin ngunit nais mo pang hipan ka, at pagkatapos ay bigla kana lang binitiwan at tuluyang nadala ng hangin na nasa loob mo sa kung saan panig ng mundo. 
Ganoon nga siguro tayong mga tao. Hangga’t nabubuhay ay nais na may abutin pa, kahit na nga nasa dulo na tayo at pagkatapos ay para tayong hinihigop ng hangin pababa..pabalik sa pinakasimula. 
Ikaw…ako..tayo….Nasaan na ba tayo ngayon? Saan patungo,… Pasaan Nga ba ang byahe mo?….at nasaan nga ba ang dulo?


No comments:

Post a Comment